Ramilyete

-rejosa
May 27, 2021

--

Ang bughaw ng langit kay sarap titigan
Parang dagat sa tubig kung sa malayo mo tignan
Mga ibong malaya pakpak ay ipinapagaspas
May hibla ng ulap sa kanila’y umaalpas

Kay sarap sa tenga ng mga huni ng ibon
Kasabay ng mga nagliliparang luntiang dahon
Tila sila’y nagkakantahan sa aking uluhan
Naghihintay sa dulo, paparoon kung saan man

May mga yabag ng paa ang paparating
May kumpulan ng tunog na may nais ipahiwatig
Mga salitang sa tenga ko’y ngayon ko lamang narinig
Na sana’y noon pang may buhay at gising

Palambutin ninyo ang lupa ng inyong mga tangis
Isabay sa ramilyete na inyong hinahahagis
Noon pa man alam ko ito ang inyong nais
Sa wakas ang inyong hiling ay dininig na ng langit

--

--

-rejosa
-rejosa

Written by -rejosa

You might find my pieces unusual and sad. Drown from it then breathe through it.

No responses yet